YOKOWO Manufacturing, Panibagong Investor sa Hermosa!

July 28, 2022- Hermosa, Bataan
YOKOWO Manufacturing, Panibagong Investor sa Hermosa!
Pinangunahan ng inyong lingkod ang Grand Opening ng Yokowo Manufacturing in the Philippines Inc. Kasabay nito ang ribbon cutting at ang kanilang tradisyon ng pag inom ng sake “SAH-kee” ito ang hudyat ng opisyal na pagbubukas ng Yokowo Manufacturing Company na panibagong investor natin dito sa Bayan ng Hermosa, na ginanap sa Hermosa Ecozone.
Nakasama natin sa inagurasyon na ito sina Mr. Furumi Yokowo Executive, Mr. Yokoo Yokowo Executive, Ms. Dita Angara- Mathay Foreign Trade Service Corps (FTSC-DTI), Mr. Masahiro Nakata Embassy of Japan, Mr. Emmanuel D. Cortero PEZA Baguio, Vice Gov. Cris Garcia Provincial Vice Governor of Bataan, Congw. Geraldine Roman Congresswoman of Bataan 1st District, Ms. Leilani Reynoso from DOLE, at si Cong. Abet Garcia Congressman of Bataan 2nd District.
Kasabay ng opisyal na pagbubukas nito ay ang malaking oportunidad para sa libo-libong trabaho sa ating mga Kababayan. Ang kumpanyang Yokowo Manufacturing of the Philippines Inc. ay inaasahang makakapagbigay ng humigit kumulang 3,000 manggagawa.  Bukod dito, ito ay magbibigay ng dagdag kita para sa ating Bayan na gagamitin ng inyong Pamahalaang Bayan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng ating mga Kababayan.
Maraming Maraming Salamat, Yokowo Manufacturing in the Philippines, sa patuloy ninyong pagtitiwala. Mabuhay po kayo!
Sama-Sama sa Patuloy na Paglipad ng Bayan ng Hermosa!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️
« of 2 »

Mission

To Create a Positive Environment for Sustainable Development through Continuous Improvement and Innovation in Inclusive Governance and Responsible Citizenship.

Vision

By 2030, Hemosa will be a Prime Investment and Agro-Industrial Hub with Empowered Active Citizenry coupled with capable and responsible Leaders Geared towards Sustainable Development, Disaster-Resilient, and Adaptive to Climate Change.

Municipality of Hermosa Province of Bataan

QUICK LINKS

EMERGENCY HOTLINES

  • POLICE STATION

    • 0998-598-5360
    • 0995-324-1873
  • FIRE STATION

Copyright © 2020. Municipality of Hermosa, Province of Bataan. All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Hermosa