Skip to main content

WORLD MENTAL HEALTH DAY 2026

“Bawat kuwento ay mahalaga. Bawat boses ay nararapat pakinggan.”

Sa likod ng bawat ngiti ay may kuwentong hindi natin alam, at sa bawat katahimikan ay maaaring may laban na hindi madaling ibahagi.

Sa pamamagitan ng Lipad Kalinga Mental Health Program, isinusulong natin ang isang komunidad na marunong makinig nang walang paghuhusga, umunawa nang may malasakit, at magbigay ng suporta sa mga nangangailangan.

Dahil mahalaga hindi lamang ang marinig ang kanilang mga kuwento, kundi kilalanin, igalang, at pahalagahan ang kanilang mga tinig.

Maging ligtas na espasyo para sa isa’t isa. Makinig, umunawa, at magmalasakit.

Malaya ang Isip. Matatag ang Damdamin. Sama-sama sa Paglipad. 💙

#LIPADKalinga

#WorldMentalHealthDay

#HermosaBataan

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1KEZ8Pvwuv/

Official Website of Municipality of Hermosa