WFH sa gov’t offices, alternative learning modes sa eskwelahan sa NCR at ilang probinsya ipapatupad bukas, Agosto 18
Sa Memorandum Circular No. 128 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto, ipinag-utos ng Malacanang ang pagsasagawa ng Work-from-Home (WFH) sa mga tanggapan ng gobyerno at alternative learning modes sa lahat ng pampubliko at pribadong eskwelahan bukas, Agosto 18, bilang paghahanda sa inaasahang patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng habagat.
Alinsunod sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ipatutupad ang WFH at suspension ng face-to-face classes sa mga sumusunod na lugar:
National Capital Region
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Benguet
Zambales
Bataan
Tarlac
Pampanga
Bulacan
Cavite
Batangas
Rizal
Laguna
Occidental Mindoro
Hindi sakop ng WFH ang mga ahensya ng pamahalaang may kinalaman sa pag-deliver ng basic at health services, preparasyon at pagtugon sa sakuna at kalamidad.
Ipinauubaya naman ng Malacanang sa mga Local Chief Executives ang kapangyarihang mag-pasiya kung kinakailangang suspendihin ang pasok sa mga lugar na kanilang nasasakupan na hindi napabilang sa memorandum circular.
Nasa diskresyon naman ng pamunuan ng pribadong sektor ang pagdeklara ng suspensyon sa trabaho.
Pinag-iingat ang lahat.
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1DJnS4TQA9/