WELCOME MA’AM ARLENE CARLOS!
Mainit na tinanggap ng inyong lingkod ang bagong District Supervisor ng Hermosa, Ma’am Arlene Carlos. Si Ma’am Arlene ay isang tubong Hermosa, kapitbahay at matagal nang kaibigan ng inyong lingkod.
Kasama natin dito ang iba’t-ibang school principal sa ating bayan at natalakay ang mga plano, aktibidad at programa para sa ikauunlad ng mga paaralan sa ating distrito.
Muli, welcome Ma’am Arlene! Makakaasa ka na kasama ang buong pamahalaang lokal ng Hermosa para sa mga mag-aaral at proyektong pampaaralan. Ikinararangal ka ng iyong bayan!
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA
#LipadHermosa
#1Bataan