WEATHER UPDATE: SUPER TYPHOON BAVI
Inaasahan ang pagpasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ng super typhoon BAVI (o bagyong Inday sa Pilipinas) bukas ng gabi hanggang madaling araw ng Miyerkules.
Bagama’t hindi pa nararamdaman ang bagyo at ang epekto nito sa kasalukuyan, pinapayuhan ang lahat na maghanda dahil inaasahang palalakasin ng bagyo ang habagat na maaaring magdulot ng pag-ulan at pabugso-bugsong hangin sa mga susunod na araw.
Mga paalala sa panahon ng bagyo:
• Magdala ng payong o kapote kung lalabas.
• Iwasang tumawid o lumusong sa baha at umiwas sa mga lugar na maaaring magkaroon ng pagguho ng lupa.
• Siguraduhing malinis ang mga kanal at daluyan ng tubig sa paligid ng tahanan.
• Ihanda ang emergency kit at manatiling nakaantabay sa mga opisyal na abiso mula sa DOST-PAGASA at sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan.
Patuloy po tayong mag-ingat at upang maiwasan ang sakuna sa panahon ng tag-ulan.
#1Bataan
#Bataan
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1DEd34vetg/