Skip to main content

Weather Outlook | July 15, 2023

Weather Outlook | July 15, 2023
Ayon sa ulat na inilabas ng PAGASA kaninang alas-11 ng umaga, isa nang Tropical Storm ang binabantayang si #DodongPH na nagpapalakas ngayon ng ating nararanasang southwest monsoon o hanging habagat.
Ang sentro nito ay nasa 305km kanluran ng Ilocos Sur habang ang hangin nito ay may bilis na 65km/h at pagbugso na 80km/h.
Ito ay may paggalaw na pahilaga-hilagang-kanluran at inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong hapon o bukas. Makikita po sa ibaba ang latest track nito.
Asahan pa rin po ang mga pag-ulan at pabugso-bugsong hangin sa ating Lalawigan sa maghapon at sa mga susunod na araw, kaya’t pinapayuhan po ang lahat na maging alerto sa mga posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Ibayong pag-iingat po at manatili po tayong ligtas.
#AlertoBataeño #1Bataan #Bataan #DOSTPagasa #Habagat
Official Website of Municipality of Hermosa