
Walang patid na Kalingang Hermoseño para sa mahal kong Lola at Lola
Noong nakaraang araw, Pebrero 22, tayo po ay namahaging muli ng cash incentives para naman sa mga ating mga kababayang senior citizens na may edad 90 years old. Bawat isa sa kanila ay nabigyan ng sampung libong piso (P10,000.00)
Ito ay bahagi ng programa ng ating Lokal na Pamahalaan na makapagabot ng tulong sa ating mga kababayang senior citizens sa abot ng ating makakaya, lalo na ngayong pandemya.
Kinatawan ng inyong lingkod sina Konsehal Patrick Rellosa, Konsehala Luz Jorge Samaniego, Kap. Jason Enriquez at OSCA Chairman Hermosa Sir Arturo Sangalang.
Maraming Salamat po. Mabuhay po kayo! 
