WALANG PASOK (SEPTEMBER 4, 2023)
#WALANGPASOK | September 4,2023
Suspendido ang mga klase sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lalawigan ng Bataan.
Ito ay batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA at rekomendasyon ng Bataan PDRRMO kung saan ay inaasahan ang malakas na pag-ulan at bugso ng hangin sa ating Lalawigan, dulot ng hanging habagat na pinalalakas ng bagyong #HannaPH.
Maaari pong tumawag sa mga sumusunod na numero kung kailanganin ng dagliang tulong:
Emergency Hotline – 911
Landline – (047) 613-8888
Smart – 0919 914 6232
Globe – 0927 605 6991
Patuloy naman pong nakahanda at nagmomonitor ang ating Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) upang tumugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayang malalagay sa panganib dulot ng masamang panahon.
Gamitin po natin ang pagkakataong ito upang maghanda at sundin ang mga hakbang upang makaiwas sa aksidente at pinsala. Ibayong pag-iingat po sa lahat.
#HannaPH #WalangPasok #Habagat #1Bataan☝️#LipadHermosa 🚁