WALANG PASOK | AUGUST 7, 2026
Mga anak, nauubusan na ako ng content sa tagal ng walang pasok. Pero ang mas mahalaga, ang kaligtasan ng bawat isa.
Suspendido pa rin po ang face-to-face classes sa lahat ng antas, sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Hermosa bukas.
Batay sa pinakahuling ulat ng panahon ng PAGASA, inaasahan ang patuloy na pag-ulan na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang lugar.
Samantala, maaaring magsagawa ng online o modular classes ang mga paaralan, ayon sa pasya ng kani-kanilang school principal.
Para sa kaligtasan ng bawat Hermoseno, narito ang mga numerong maaaring tawagan sakaling kailanganin ang agarang tulong:
Bataan Emergency Hotline: 911
MDRRMO Hermosa: 0917-549-7739
Municipal Health Office (MHO): 0917-117-7187
Philippine National Police (PNP): 0998-598-5360
Bureau of Fire Protection (BFP): 0919-865-4441
Manatiling alerto at ligtas ang lahat.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1BwVPEpoBb/