Skip to main content

WALANG PASOK | AUGUST 5, 2026

Mga anak, walang maliligo, walang hihingi ng baon, at higit sa lahat… walang aabsent dahil wala pa ring pasok bukas!
Batay sa pinakahuling ulat ng panahon ng PAGASA, inaasahan ang patuloy na pag-ulan na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang lugar. Bilang pag-iingat at upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Hermosa.
Samantala, maaaring magsagawa ng online o modular classes ang mga paaralan, ayon sa pasya ng kani-kanilang school principal.
Para sa kaligtasan ng bawat Hermoseno, narito ang mga numerong maaaring tawagan sakaling kailanganin ang agarang tulong:
Bataan Emergency Hotline: 911
MDRRMO Hermosa: 0917-549-7739
Municipal Health Office (MHO): 0917-117-7187
Philippine National Police (PNP): 0998-598-5360
Bureau of Fire Protection (BFP): 0919-865-4441
Manatiling alerto at ligtas ang lahat.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1DXXMwbhgZ/

Official Website of Municipality of Hermosa