Walang Pasok | August 29, 2026
#WalangPasok bukas, Sabado, August 29, sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lalawigan ng Bataan.
Ito po ay batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA at rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mag-aaral at ng publiko.
Ayon sa pinakahuling forecast ng PAGASA ngayong 5PM, ang ating Lalawigan ay nasa ilalim ng Orange Rainfall Warning, kung saan makakaranas ang ating Lalawigan ng pag-ulan at posibleng malakas na pag-ulan dulot ng Habagat, na posibleng magdulot ng pagbaha sa mga mabababang lugar.
Maaari pong magsagawa ng online classes o modular distance learning ayon sa pagpapasya ng mga pinuno ng paaralan.
Maaari pong tumawag sa mga sumusunod na numero kung kailanganin ang dagliang tulong:
• Emergency Hotline – 911
• PDRRMO: (0917) 186 6911 (Globe) | (0918) 907 6911 (Smart)
Ibayong pag-iingat po sa lahat.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/18w3DQ357K/
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/18w3DQ357K/