Skip to main content

WALANG FACE-TO-FACE CLASSES | SEPTEMBER 10, 2026

Mga anak, wala pa ring pasok sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan, gayundin sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa Bayan ng Hermosa, dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat.

Ito ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 135 na inilabas ng Malacañang. Batay din sa ulat ng PAGASA, inaasahang makakaranas tayo mga pag-ulan na maaaring magdulot ng mas matinding pag-ulan, pagbaha, at pagtaas ng tubig sa ilang lugar.

Samantala, maaaring ipagpatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng online classes o modular distance learning, alinsunod sa pagpapasya ng mga school heads at sa kakayahan ng bawat paaralan.

Patuloy din ang ating response teams sa monitoring at paghahatid ng kinakailangang serbisyo at tulong sa ating mga kababayan ngayong panahon ng kalamidad.

Para sa kaligtasan ng bawat Hermoseño, narito ang mga numerong maaaring tawagan sakaling kailanganin ang agarang tulong:

Bataan Emergency Hotline: 911

MDRRMO Hermosa: 0917-549-7739

Hermosa Marshal: 0939-937-1593

Municipal Health Office (MHO): 0917-117-7187

Philippine National Police (PNP): 0998-598-5360

Bureau of Fire Protection (BFP): 0919-865-4441

Manatiling alerto at ligtas ang lahat. #WalangPasok #HermosaBataan

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/19WmiZvQSs/

Official Website of Municipality of Hermosa