VAWC Orientation para sa ating mga kababayan
September 23, 2024 – Hermosa, Bataan
Masigasig na nakikilahok ang ating Mayora ANNE INTON sa ‘Orientation on VAWC and Other Related Laws’ na isinagawa ng MSWDO, sa pangunguna ni Office Head Chasmalin Francisco. Ang programang ito ay bahagi ng adbokasiyang palakasin ang kamalayan at isulong ang ‘women empowerment’ sa ating bayan.
Kasama rin ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, sa pangunguna ni Vice Mayor Patrick Rellosa, ang bagong Team Lipad, at ang ating pambato sa Binibining Bataan 2024 na si Bb. Pauline Rodriguez, na nagpahayag ng kanilang suporta sa layunin ng programa.
Sa ating bayan, patuloy nating sinisiguro ang proteksyon, boses, at kaalaman ng ating mga Ina ng Bayan at kababaihan, sa tulong ng mga programang gaya nito na naglalayong protektahan at bigyan sila ng lakas ng loob.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #InaNgHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan