Skip to main content

USAPING MENTAL HEALTH PROGRAM KASAMA SI DR. GEO JORGE

September 14, 2026 – Hermosa, Bataan
Sa pangunguna ni Dr. Geofrey Jorge, tinalakay po natin ang mga programa at inisyatiba para sa mental health sa ating bayan.
Kabilang sa mga naging talakayan ang accomplishment report ng Mental Health Program sa mga nakalipas na buwan, gayundin ang mga nakaplanong programa at aktibidad para sa mga susunod na buwan.
Patuloy po nating palalakasin ang ating mga programang pangkalusugan, kabilang ang mental health, upang matiyak na may sapat na suporta at serbisyong maaaring sandalan ng bawat Hermoseño.
Samantala, narito ang mga numerong maaari ninyong tawagan kung kinakailangan ng tulong:
1. NATIONAL CENTER FOR MENTAL HEALTH CRISIS HOTLINE
DIAL: 1553 OR 1800-1888-1553
2. MARIVELES MENTAL WELLNESS AND GENERAL HOSPITAL
(MMWGH): 0953-197-0146 / 0965-902-3272
3. HERMOSA MENTAL HEALTH PROGRAM
TEXT OR CALL AT 0961-848-8327
Official Website of Municipality of Hermosa