USAPING KALIGTASAN SA MGA PAARALAN
Bilang agarang tugon sa mga usaping may kinalaman sa kaligtasan at seguridad sa ating mga paaralan, nagsagawa po tayo ng pagpupulong kasama ang mga school principals, mga punong barangay, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Philippine National Police (PNP), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at iba pang katuwang na ahensya upang pag-usapan at pagtibayin ang mga hakbang para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.
Tinitiyak po natin na ligtas at maayos ang kapaligiran sa ating mga paaralan. Kaya naman patuloy nating pinaiigting ang seguridad at isinusulong ang mga programa at kampanyang naglalayong mapanatili ang kaligtasan ng bawat mag-aaral.
Kasama rin po natin sa pagpupulong sina Konsehal Boyet Yandoc, Konsehal Lou Narciso, ABC President Emeterio B. Villafania, Dr. Geofrey Jorge at ang mga miyembro ng Local School Board sa sama-samang pagsusulong ng isang ligtas at mas maayos na kapaligiran para sa edukasyon ng bawat Hermoseño.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa
#1Bataan