Skip to main content

USAPING KALIGTASAN AT KAAYUSAN SA BAYAN NG HERMOSA

March 16, 2026 – Hermosa, Bataan

Upang higit pang mapalakas ang kaligtasan at kaayusan sa ating bayan, nakipagpulong po tayo sa bagong Officer-in-Charge ng Hermosa Municipal Police Station na si PMAJ Kenneth Longan.

Patuloy po ang ating maigting na kampanya laban sa ilegal na droga at sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad. Kaugnay nito, minabuti nating makipag-ugnayan at makipagtalakayan sa hanay ng PNP Hermosa upang higit pang mapagtibay ang ating mga hakbang para sa isang ligtas at maayos na komunidad.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan

Click here: https://www.facebook.com/share/p/18BqWA31Aa/

Official Website of Municipality of Hermosa