Skip to main content

USAPIN KONTRA DROGA AT GAMBLING March 30, 2026 – Hermosa, Bataan

Upang higit na maprotektahan ang ating mga kababayan at komunidad laban sa ilegal na droga at pagsusugal, minabuti po nating makipagpulong kay PMAJ Kenneth Longan, Officer-in-Charge ng Hermosa Municipal Police Station.

Sa nasabing pag-uusap, tinalakay ang mas pinaigting na kampanya, koordinasyon, at mga hakbang upang mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at kapakanan ng bawat mamamayan ng Hermosa. Magkakaroon din ng regular na ulat tuwing Lunes mula sa hanay ng PNP upang masubaybayan ang sitwasyon sa bayan.

Tinalakay rin ang kanilang deployment at paghahanda ngayong Semana Santa upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng pagdagsa ng mga biyahero at mananampalataya.

Sama-sama sa Paglipad ng Hermosa!
#LipadHermosa #1Bataan

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1Djr6ZXdQ8/

Official Website of Municipality of Hermosa