Skip to main content

UPDATE SA SITWASYON NG BAHA – BARANGAY CATANING

📍 Barangay Cataning
🕓 As of 4:31 PM | August 17, 2026
Patuloy na tumataas ang tubig-baha sa Barangay Cataning, lalo na sa gitnang bahagi ng barangay.
Sa kasalukuyan, ang baha ay umaabot na hanggang tuhod at dahil dito, HINDI NA PASSABLE para sa lahat ng uri ng sasakyan.
🚫 PINAPAALALAHANAN ANG LAHAT NG MOTORISTA NA IWASAN MUNA ANG PAGDAAN SA NATURANG LUGAR upang maiwasan ang anumang aksidente o panganib.
Patuloy ang roving at monitoring ng mobile team upang masubaybayan ang patuloy na pagtaas ng tubig at ang kalagayan ng mga residente, lalo na sa mga lugar na madaling bahain.
🌧️ Patuloy na maging alerto at mapagmatyag, lalo na’t nagpapatuloy ang pag-ulan.
Unahin ang kaligtasan. Manatiling ligtas at updated sa mga susunod na abiso.
Public Safety and Security is our Priority!
Salute

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1VH7AQcbZV/

Official Website of Municipality of Hermosa