Skip to main content

TUROVER OF BIODIVERSITY MONITORING EQUIPMENT

April 6, 2026 – Hermosa, Bataan
Sa pangangasiwa ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), opisyal nang isinagawa ang turnover ng mga kagamitan para sa installation ng permanent markers na gagamitin sa biodiversity monitoring system ng ating mga protected areas.
Isinagawa ang programa sa pakikipagtulungan ng Protected Area Management Office – Roosevelt Protected Landscape at Protected Area Management Office – Bataan Natural Park, bilang bahagi ng patuloy na pangangalaga at pagprotekta sa likas na yaman ng Hermosa at karatig na protected areas.
Kabilang sa mga dumalo si MENRO Officer Jake De Luna, kasama ang iba pang katuwang na ahensya sa pagsusulong ng mga programang pangkalikasan.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1CmKQzhJDs/

Official Website of Municipality of Hermosa