TURNOVER CEREMONY: Service Vehicle para sa ating mga Guro
Ngayong araw, isinasagawa ang turnover ceremony ng service vehicle mula sa ating lokal na pamahalaan, na nakatalaga para sa mga guro ng Hermosa DepEd. Layunin nating mapabuti ang serbisyo para sa mga guro at masiguro ang kanilang kaginhawaan sa kanilang mga paglalakbay.
Dumalo sa seremonya ang ating District Supervisor, Ma’am Arlene Carlos, at ang Principal ng Hermosa Elementary School, Ma’am Rosario Canlas. Sa kanilang mga kontribusyon, patuloy nating itinataguyod ang mataas na antas ng edukasyon sa ating bayan.
Ang service vehicle na ito ay simbolo ng ating suporta at pagpapahalaga sa mga guro, na siyang nagsisilbing ilaw ng kaalaman para sa ating mga kabataan. Sama-sama tayong patuloy na mangarap at magtrabaho para sa isang mas maliwanag na kinabukasan para sa Hermosa.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan
READ AND SEE MORE: https://www.facebook.com/share/p/B3E51XLJFfq5XPQJ/