
TURN OVER OF PNP MOBILE PATROL
Personal na tinanggap ni Konsehal Jason Enriquez na kumatawan sa inyong Lingkod ang bagong PNP Mobile Patrol kasama ang ating Hermosa PNP Chief of Police Emerson Coballes na ginanap sa Covered Court Camp Cirilo S. Tolentino, Balanga City, Bataan.
Ito ay ginawad para sa ating mga kapulisan dito sa Bayan ng Hermosa sa tulong ng ating National Government kasama si Regional Director PR03 PBGEN Jose Hidalgo Jr.
Malaki ang magiging tulong nito upang lalong mapabilis ang serbisyo ng ating mga kapulisan dito sa ating bayan at sa mga agarang responde sa mga kababayan nating nangangailangan.
Maraming Salamat at Mabuhay po ang ating mga Kapulisan!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️