Skip to main content

TUPAD Payout: Oportunidad para sa 794 benepisyaryo sa Hermosa

Matagumpay nating isinagawa ang TUPAD Payout para sa 794 nating kababayan; ito ay mula sa pondo ng Provincial Government of Bataan (PGB) na may 425 benepisyaryo, mula kay 2nd District Representative Abet Garcia na may 200 benepisyaro, at mula kay 1st District Provincial Board Member Atty. Tony Roman na may 169 benepisyaryo. Ang nasabing aktibidad ay pinangasiwaan ng ating Hermosa Public Employment Service Office sa pangunguna ni Hermosa PESO Manager Ofelia Datu.

Taos-puso tayong nagpapasalamat sa DOLE para sa programang TUPAD, na nagbibigay ng pagkakataon sa ating mga kababayan na magkaroon ng trabaho. Gayundin sa PESO para sa kanilang suporta sa pagsasagawa ng payout, at sa mga nagbigay ng pondo na PGB, sa pangunguna ni Governor Joet Garcia, Congressman Abet Garcia, at BM Atty. Tony Roman para sa pondong ipinagkaloob para sa pamamahagi.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!

#TupadPayout #LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

VIEW FACEBOOK POST: https://www.facebook.com/share/p/18km3BsJk7/

Official Website of Municipality of Hermosa