Skip to main content

Tupad Payout, Naipamahagi Na

January 05, 2023 – Hermosa, Bataan
TUPAD PAYOUT, NAIPAMAHAGI NA
Matagumpay nating naipamahagi ang payout para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD Program na ginanap sa Hermosa Covered Court, Hermosa, Bataan.
Ang pondong para sa programang ito ay mula sa tanggapan ni Senator Joel Villanueva. Kasama ng inyong lingkod sina Governor Joet Garcia, Vice Governor Cris Garcia, Representative Pusong Pinoy Party List Cong. Jett Nisay, Vice Mayor Patrick Rellosa, Municipal PESO Manager Ofelia Datu, Konsehal Jason Enriquez at ng Department of Labor Employment (DOLE).
Walang tigil po ang pakikipagtulungan ng ating pamahalaang lokal upang makapagbigay ng tulong sa ating mga kababayan.
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️
Official Website of Municipality of Hermosa