
Tupad Payout, Naipamahagi na sa Brgy. Mambog
January 19, 2023 – Hermosa, Bataan
TUPAD PAYOUT, NAIPAMAHAGI NA SA BRGY. MAMBOG
Nagpapatuloy ang ating paghahatid ng tulong para sa ating mga kababayan sa ilalim ng Tupad Program o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers. Matagumpay po nating naipamahagi ito na ginanap sa Brgy. Mambog Hermosa, Bataan.
Ang pondong para sa programang ito ay mula sa tanggapan ni Pusong Pinoy Party List Representative Cong. Jett Nisay kasama ng inyong lingkod at sina Governor Joet Garcia, Vice Mayor Patrick Rellosa, Konsehal Jason Enriquez, Municipal PESO Manager Ofelia Datu at ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Walang tigil po ang pakikipagtulungan ng ating pamahalaang lokal ng Hermosa upang makapagbigay ng tulong para sa ating mga kababayan.
#LipadHermosa 

#1Bataan 
