Skip to main content

Tupad Payout Mula kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, Naipamahagi na

October 23, 2023 – Hermosa, Bataan

Ipinamahagi na ngayong araw kasama ng inyong lingkod ang TUPAD Payout dito sa ating bayan. Ito ay binubuo ng 700 benepisyaryo mula sa DOLE Calamity Fund at 236 naman mula kay Sen. Bato Dela Rosa. Sa kabuuan, mayroon tayong 936 benepisyaryo para sa ating TUPAD Program sa araw na ito.
Ito ay mula sa ating masipag na Sen. Ronald Bato Dela Rosa at ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma.
Kasama rin natin sa pamamahagi si PESO Manager, Ofelia Datu at Senior Labor and Employment Officer, Maria Eloisa Mercado.
Maraming salamat kay Sen. Bato Dela Rosa at DOLE Secretary Bienvenido Laguesma para sa tulong at suportang ibinigay niyo para sa TUPAD Program dito sa aming bayan.
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝🏻

Official Website of Municipality of Hermosa