TUPAD Orientation sa Pangunguna ni Sen. Bong Go
Tunay na napakapalad ng Hermosa dahil personal na binisita ng ating kaibigan, Sen. Bong Go ang ating bayan upang pangunahan ang TUPAD orientation na hatid ng DOLE para sa mga miyembro nito.
Pinasinayaan din ni Sen. Bong Go ang Hermosa Super Health Center sa Brgy. Mandama. Ang kanyang pagbisita ay nagpapakita ng kanyang dedikasyon sa pagpapabuti ng kalusugan ng ating komunidad. Sa pamamagitan ng kanyang suporta at pagmamalasakit, tayo ay nadadagdagan ng inspirasyon upang magpatuloy sa pagtataguyod ng kalusugan at kagalingan ng bawat mamamayan dito sa bayan ng Hermosa.
Kasama rin natin kanina sina Gov. Joet Garcia, Vice Gov. Cris Garcia, Bokal Toni Roman, Abucay Mayor Robin Tagle, Mayora Anne Inton, Philip Salvador at Sanguniang Bayan Members sa pangunguna ni Vice Mayor Patrick Rellosa.
Binigyan din natin ng Plaque of Appreciation, isang Resolution No. 71-2024, at isang susi kung saan tinuturing nating adopted son sa ating bayan si Sen. Bong Go. Asahan niyo na patuloy tayong makikipagtulungan sa iba’t-ibang ahensya upang makapaghatid ng tulong sa ating mga kababayan.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa
#1Bataan ☝