TUPAD ORIENTATION, INUMPISAHAN NA!

October 18, 2022- Hermosa, Bataan
TUPAD ORIENTATION, INUMPISAHAN NA!
Sa pakikipagtulungan ng inyong lingkod sa Department of Labor and Employment (DOLE) isinagawa po natin kaninang umaga ang oryentasyon para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD Program, mayroon po tayong 500 na benepisyaryo sa buong Bayan ng Hermosa.
Layunin ng programang ito na matulungan ang ating mga Kababayan na magkaroon ng pansamantalang trabaho, na makakatulong sa kani-kanilang Pamilya.
Nagpapasalamat po tayo sa tanggapan ng Department of Labor and Employment o DOLE, sa pakikipagtulungan ng Hermosa PESO sa pagsusulong ng programang TUPAD sa ating mga Kababayan na ating katuwang sa matagumpay na programang ito.
Kasama dito si Municipal Administrator Rex Jorge na siyang kumatawan sa inyong lingkod, PESO Manager Maam Ofelia Datu, DOLE Staff mula sa Province Maam Mary Anne Mercado.
Maraming Salamat po, Mabuhay po kayo! Sama-sama sa patuloy na paglipad ng Bayan ng Hermosa! 🚁
#LipadHermosa🚁
#1Bataan ☝️

Mission

To Create a Positive Environment for Sustainable Development through Continuous Improvement and Innovation in Inclusive Governance and Responsible Citizenship.

Vision

By 2030, Hemosa will be a Prime Investment and Agro-Industrial Hub with Empowered Active Citizenry coupled with capable and responsible Leaders Geared towards Sustainable Development, Disaster-Resilient, and Adaptive to Climate Change.

Municipality of Hermosa Province of Bataan

QUICK LINKS

EMERGENCY HOTLINES

  • POLICE STATION

    • 0998-598-5360
    • 0995-324-1873
  • FIRE STATION

Copyright © 2020. Municipality of Hermosa, Province of Bataan. All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Hermosa