
TUNGO SA MABUTING PAMAMAHALA
October 18, 2022- Clark Freeport Zone, Pampanga
TUNGO SA MABUTING PAMAMAHALA!
Ako po ay nabigyan ng pagkakataong dumalo sa Newly Elected Officials o NEO Orientation Course, isang seminar na pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government o DILG, na ginanap sa Royce Hotel, Clark Freeport Zone, Pampanga.
Isa itong orientation course para sa mga katulad kong lingkod Bayan. Umasa po kayo na ang bagong kaalaman na natutunan namin dito ay gagamitin namin upang makapag bigay ng mas maayos na serbisyo sa ating Bayan.
Maraming Salamat po sa mga guest speakers, at kapwa kong lingkod Bayan, pati na rin sa buong DILG na naging abala sa matagumpay na program na ito.
Sama-sama sa patuloy na paglipad ng Bayan ng Hermosa! 🚁
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️