Skip to main content

TULONG SA MGA NASALANTA NG BAGYO AT HABAGAT

Kaugnay ng ating tuloy-tuloy na pag-agapay at pagbibigay tulong sa mga nasalanata ng bagyo at Habagat, nagsagawa ng medical mission ang Americares Philippines dito sa ating bayan sa pangunguna ni Emergency Responce Coordinator, Glorina Diaz kasama ang mga doktor na sina Dr. Leon Caculitan, Dr. Erlene May Sanchez, at Dr. Joyce Magsaysay, at ang kanilang buong team. Ito ay sa pakikipag-unayan sa inyong lingkod sa pamamagaitan ni Kon. Luz Jorge-Samaniego.
Sila ay nagkaroon ng magkakasunod na libreng serbisyo medikal sa loob ng anim na araw, sa iba’t ibang barangay tulad ng Almacen, Bacong, Balsik, Cataning, Pulo at Saba. Dito ay nagbigay ng mga libreng konsultasyon at bitamina para sa mga bata gayundin sa mga matatanda.
Maraming salamat, Americares Philippines para sa libreng serbisyo para sa Bayan ng Hermosa! Mabuhay po kayo!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

No Images found.

Official Website of Municipality of Hermosa