
TULONG PINANSYAL PARA SA ATING MGA KABABAYANG LGBTQ
Tumanggap ng tulong pinansyal ang labinlimang (15) mga miyembro ng LGBTQ sa Bayan ng Hermosa na napagkalooban ng tig 5,000 pesos mula sa Lokal na Pamahalaan ng Hermosa.
Layunin po nito ang makatulong ng dagdag pangkabuhayan lalo pa’t lubos na naapektuhan ngayong pandemya ang mga hanapbuhay ng ating mga LGBTQ members. Marami ang nawalan ng trabaho o hanapbuhay lalo na mga gumagawa ng bulaklak, mga mananahi, at mga parlor o salon.
Maraming Salamat po! Mabuhay po ang ating LGBTQ!
#LipadHermosa
#1Bataan