Skip to main content

TULONG PASASALAMAT: Incentives for the Barangay Population Workers

Hermosa, Bataan – Marso 8, 2024

Sa patuloy na pakikipagtulungan ng ating lokal na pamahalaan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, nagkaroon tayo ng kauna-unahang Awarding of Mobilization Fund ngayong taon para sa 20 na barangay population workers ng ating bayan.
Bilang kinatawan ng inyong lingkod, pinangunahan ni Mayora ANNE INTON, kasama ang mga Provincial Population Officers na sina Bb. Will Anne Garcia at G. Alex Calma, ang pamamahagi ng tulong at ilang mga regalo.
Ang mga Barangay Population Workers ay responsable sa paghahatid at pagsusuri ng iba’t ibang aktibidad ng Population Commission sa antas ng barangay.
Ito ay patunay ng patuloy na paglilingkod at pagtutulungan upang isulong ang kaunlaran at kagalingan ng ating bayan.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

Official Website of Municipality of Hermosa