Skip to main content

Tulong kagamitan para sa mangingisda ng Hermosa

Ngayong araw, ipinamahagi ang tulong na kagamitan sa pangingisda at post-harvest materials mula sa BFAR sa mga mangingisdang kababayan natin sa Almacen, Hermosa.

Sa nasabing pamamahagi, nakatanggap ang mga benepisyaryo ng 7 set ng gillnets, 7 rolyo ng multifilament PE net, 2 set ng cast net, isang set ng stainless steel shallow rectangular fish pan, at isang unit ng smokehouse livelihood package.

Katuwang sa matagumpay na gawaing ito sina G. Vincent Mangulabnan ng MAO, BFAR Director Wilfredo Cruz, BFAR PFO Harlyn Purzuelo, at SB Member for Agriculture, Kgg. Roger Manarang, at ang kapitan ng Brgy. Almacen, Kgg. Emiterio Villafania. Kasama rin sa pagtulong ang Samahan ng Mamamaklad na pinangunahan ni G. Bonifacio Arellano, Samahan ng Mangangapa na pinangunahan ni G. Cornelio Cruz, Samahan ng Maliliit na Palaisdaan na pinangunahan nina G. Wilfredo at G. Santiago, at Almacen Fishermen Cooperative President na si G. Dingo Razon.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakibahagi sa gawaing naglalayong tumulong sa ating mga kababayang mangingisda. Ang inisyatibong tulad nito ay tiyak na magbubunga ng mas maunlad na Hermosa.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!

#ParaSaMangingisda #LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

« ‹ of 2 › »
Official Website of Municipality of Hermosa