Skip to main content

TUKLAS BATAAN: THE BATAAN TOURISM EXPO 2026

September 25, 2026 – Hermosa, Bataan
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Tourism Month, isinagawa ang Tuklas Bataan: The Bataan Tourism Expo 2026 sa SM City Bataan, kung saan tampok ang iba’t ibang tourism destinations, produkto, kultura, at pamanang ipinagmamalaki ng mga bayan sa ating lalawigan.
Tampok sa booth ng Hermosa ang Pamangupkup Festival, isang pagdiriwang na nagbibigay-pugay kay Saint Peter of Verona, patron ng ating bayan.
Hango sa lokal na tradisyon tungkol sa pagkakatuklas sa imahen ng santo sa Almacen River, ang Pamangupkup ay nangangahulugang “to offer refuge” o “to give shelter.” Sumasalamin ito sa mainit na pagtanggap ng mga Hermoseño sa ating patron, gayundin sa matibay na pananampalataya, pagkakaisa, at mayamang kulturang pamana ng bayan.
Nakiisa at sinuportahan nina Governor Joet Garcia, Konsehal Jason Enriquez, Konsehal Dakila Cruz, Hermosa Tourism Officer Bea Lim, at Binibining Hermosa 2026 Fiona Samaniego ang naturang expo bilang pagpapakita ng patuloy na pagsusulong at pagpapakilala sa mga natatanging kuwento, tradisyon, at tourism attractions ng Hermosa.

#LipadHermosa #1Bataan #HermosaBataan

 

 

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1Lz85ai3hR/

Official Website of Municipality of Hermosa