Skip to main content

TREE PLANTING: PAGTATANIM PARA SA KINABUKASAN

June 29, 2023 – Hermosa, Bataan
TREE PLANTING: PAGTATANIM PARA SA KINABUKASAN
Tayo ay nagsagawa ng Tree Planting Activity sa pangunguna ng inyong lingkod kasama si Vice Mayor Patrick Rellosa at Sangguniang Bayan Members bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Arbor Day 2023 na ginanap sa Brgy. Mabiga, Hermosa, Bataan.
Layunin ng aktibidad na ito ay upang mabigyang-diin ang kahalagahan ng mga puno at pangangalaga sa kalikasan sa ating kominidad. Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno at pag-aalaga sa mga ito, tayo ay nakakatulong sa pagpapanatili ng malusog na kapaligiran, pagpapabuti ng kalidad ng hangin, at pagtulong sa paglaban sa pagbabago ng klima.
Kasama natin sina Municipal Agriculture Department Head Vincent Mangulabnan, Hermosa MENRO Head Jesus De Luna, Municipal MPDO Head John Eigbert Salenga, ABC Roberto Rosel at ang iba’t-ibang sektor mula sa Hermosa Water District, Hermosa BFP, Hermosa DepEd, PGENRO, DENR Centro, Bountry Fresh Inc. Asian Ventures, Philippine Boue Corp. at ang ating support group mula sa Philippine Coast Guard.
Patuloy nating alagaan ang ating kalikasan, tayo’y magtanim para sa kinabukasan.
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

Official Website of Municipality of Hermosa