TRAINING ON MENTAL HEALTH GAP ACTION PROGRAM
Sa pangangasiwa ng Municipal Health Office (MHO), isinagawa po ang Training on the Mental Health Gap Action Program (mhGAP) para sa ating mga health workers sa bayan ng Hermosa.
Layunin ng pagsasanay na mas mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng ating mga healthcare workers sa pagkilala, pagbibigay ng tamang tugon, at pangangalaga sa mga indibidwal na may pangangailangan sa kalusugang pangkaisipan.
Nagpapasalamat po tayo kina Dr. Joeffrey Cruzad at Konsehala Gelly Santos sa pangunguna at pagsuporta sa inisyatibang ito na naglalayong higit pang mapangalagaan ang kalusugang pangkaisipan ng ating mga kababayan.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa
#1Bataan
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/18tDD5hZSp/