TRAINING ON MEAT PROCESSING AND PACKAGING DEMONSTRATION
October 8, 2026 – Hermosa, Bataan
Pinangunahan ng Municipal Agriculture Office, katuwang ang Provincial Veterinary Office, ang Training on Meat Processing and Packaging Demonstration para sa mga residente ng Barangay San Pedro.
Sa isinagawang training, itinuro sa mga kalahok ang wastong paghahanda at pagproseso ng mga produktong karne tulad ng tocino, holiday ham, at longganisa, na maaari nilang gawing dagdag na pagkakakitaan.
Layunin ng programang ito na mabigyan ang ating mga kababayan ng dagdag na kaalaman at kasanayan na maaari nilang gamitin upang makapagsimula ng maliit na negosyo at magkaroon ng dagdag na kita para sa kanilang pamilya.
#LipadHermosa #1Bataan #HermosaBataan
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/19po1rBzLc/









