Trabaho para sa Ating Mag-aaral dito sa Bayan ng Hermosa
Tayo ay nagkaroon ng Orientation kasama ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa pitongpu’t-isang (71) estudyante para sa Special Program for Employment of Student (SPES) na ginanap sa Hermosa Covered Court na pinangunahan ng ating Municipal PESO Department Head Ofel Salenga Datu kasama ang inyong lingkod.
Ito ay magbibigay sa inyo ng mga impormasyon at kaalaman na kailangan ninyo upang maunawaan ang programa at maging handa sa mga susunod na hakbang. Maging bukas, matuto at makiisa sa inyong mga kapwa estudyante upang maging matagumpay ang inyong SPES journey.
Kasabay nito nagkaroon rin ng orientation ang Hermosa RHU Palihan tungkol sa Anti-Smoking at HIV, sila rin ay magbibigay ng libreng gamot para sa may sakit ng Hypertension at maaaring magtungo sa RHU Palihan.
Maraming Salamat po!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️