Skip to main content

TINGNAN: Sa ilalim ng Lipad Kalinga Mental Health Program, nagbahagi si Dr. Geofrey Jorge ng mahahalagang kaalaman tungkol sa pagkilala sa mga senyales ng malubhang mental health conditions, mga angkop na tulong at suportang maaaring ibigay sa mga taong nakararanas nito, at ang mahalagang papel ng mga paaralan sa pangangalaga sa mental health ng mga mag-aaral.

Nakiisa sa talakayan ang mga teaching at non-teaching personnel mula sa Mambog Elementary School, Mandama Elementary School, at Agapito Martin Castillo Integrated School.

Patuloy ang ating pagsusulong ng mga programang nagtataguyod ng mas ligtas, maalaga, at maunawaing komunidad kung saan mahalaga ang kalusugang pangkaisipan ng bawat Hermoseño.

#LipadHermosa #1Bataan #HermosaBataan

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/14s7BKMC67k/

Official Website of Municipality of Hermosa