TINGNAN: Kasalukuyan nang isinasagawa ang road improvement sa Barangay Culis, malapit sa Puregold, bilang tugon sa problema ng madalas na pagbaha sa lugar.
Kung matatandaan po ninyo, mabilis maipon ang tubig sa bahaging ito tuwing umuulan, na nagiging sanhi ng pagbaha. Sa pamamagitan ng isinasagawang road improvement, inaasahang mas mapapabuti ang daloy ng tubig at mababawasan ang pagbaha sa lugar kapag natapos ang proyekto.
Patuloy nating isinasagawa ang mga kinakailangang hakbang upang maging mas ligtas at maayos ang ating mga kalsada at komunidad.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/19cjWTDbcK/






