Skip to main content

TINGNAN | ANG PAGBABALIK NG FACE-TO-FACE CLASSES SA HERMOSA ELEMENTARY SCHOOL, SINIMULAN NA!

Pinangunahan ng inyong lingkod ngayong araw ang pagbabalik ng face-to-face classes ng mga estudyante sa Hermosa Elementary School ngayong araw.
Nagkaroon po ng regional survey at inirekomenda ng superintendent sa Region III ang pagsasagawa ng limited face-to face classes sa Hermosa Elementary School. Dahil pumasa sa pamantayan ayon sa School Safety Assessment Tool (SSAT), inaprubahan ng inyong lingkod ang pagbabalik ng face-to-face classes sa nasabing paaralan.
Tiniyak po natin na maisasagawa at maipapatupad ang kanilang mga minimum health standards o protocols tulad ng wastong pagsusuot ng face mask, physical distancing, at regular na paghuhugas ng kamay para sa kaligtasan ng kanilang mga mag-aaral at kaguruan.
Nararapat din po na pumayag ang mga magulang ng ating mga mahal na mag-aaral para sila ay mapabilang sa pilot implementation ng face-to-face classes.
Inaasahan na sa muling pagbabalik ng face-to-face classes ay maiiwasan ang mga negatibong epekto ng pagsasara ng mga paaralan at muling maibabalik ang sigla ng ating mga mag-aaral.
Nakasama natin si Ma’am Vilma Gonzales punong-guro ng HES, kasama ang ating mga magigiting na guro, at GPTA President.
Maraming Salamat po sa inyong suporta, Mabuhay po kayo!
#LipadHermosa🚁
#1Bataan ☝️
« of 2 »
Official Website of Municipality of Hermosa