TINGNAN | Face to Face Classes, sa Brgy. Saba, Hermosa, Umarangkada Na!

TIGNAN | Face to Face Classes, sa Brgy. Saba, Hermosa, Umarangkada Na!
Nagsimula na ngayong araw, ang pagbabalik ng face-to-face classes ng mga estudyanteng mula sa Kinder hanggang Grade 3 sa Barangay Saba, Elementary School, Hermosa, Bataan.
Nagkaroon po ng regional survey at inirekomenda ng superintendent sa Region III ang pagsasagawa ng limited face-to face classes sa atin. Dahil pumasa sa pamantayan ayon sa School Safety Assessment Tool (SSAT), inaprubahan ng inyong lingkod ang pagbabalik ng face-to-face classes sa nasabing paaralan.
Tiniyak po natin na maisasagawa at maipapatupad ang mga minimum health standards o protocols tulad ng wastong pagsusuot ng face mask, physical distancing, at regular na paghuhugas ng kamay at personal na pangagalaga sa katawan para sa kaligtasan ng kanilang mga mag-aaral at kaguruan.
Nararapat din po na pumayag ang mga magulang ng ating mga mahal na mag-aaral para sila ay mapabilang sa pilot implementation ng face-to-face classes.
Ang nasabing paaralan ay isa sa mga eskwelahan sa ating Bayan na muling nagbukas ng face-to-face classes sa buong Lalawigan ng Bataan, sa layon na unti-unting maibalik sa dati ang pag-aaral ng ating mga Kabataan at maiwasan ang mga negatibong epekto ng pagsasara ng mga paaralan.
Ang nasabing face-to-face classes ay isinasagawa sa dalawang batch, isa sa umaga at isa naman sa hapon.
Nakasama natin sina Dr. Roland F. Fronda – School Division Superintendent, Ma’am Evelyn Mendoza – Education Program Supervisor, TLE, Sir Andy Matawaran – Education Program Supervisor English, Maam Olivia Basi – Head Teacher, Kap. Jessy Reyes mga Barangay Councils at Maam Gloria Matic, SGOD.
Maraming Salamat po sa inyong suporta, Mabuhay po kayo!
#LipadHermosa
#1Bataan ☝️

Mission

To Create a Positive Environment for Sustainable Development through Continuous Improvement and Innovation in Inclusive Governance and Responsible Citizenship.

Vision

By 2030, Hemosa will be a Prime Investment and Agro-Industrial Hub with Empowered Active Citizenry coupled with capable and responsible Leaders Geared towards Sustainable Development, Disaster-Resilient, and Adaptive to Climate Change.

Municipality of Hermosa Province of Bataan

  • (047)-300-6750/ 0917-844-3453

  • Office Hour:
    Mon - Fri: 8am - 5pm

  • Brgy. Burgos-Soliman St
    Hermosa, Philippines 2111

QUICK LINKS

EMERGENCY HOTLINES

  • POLICE STATION

    • 0998-598-5360
    • 0995-324-1873
  • FIRE STATION

Copyright © 2020. Municipality of Hermosa, Province of Bataan. All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Hermosa