TECHNICAL WORKING GROUP MEETING: PARA SA PATULOY NA PAG-UNLAD NG ATING BAYAN
December 07, 2023 – Senate of the Philippines, Pasay City
Kasama ang inyong lingkod sa naganap “Technical Working Group” (TWG) meeting kasama ang komite ng ating pamahalaang lokal ng Hermosa na ginanap sa Senate of the Philippines, Pasay City.
Ito ay maaaring magsilbing plataporma upang pag-aralan at paghandaan ang mga rekomendasyon o polisiya na maaaring isumite sa kongreso. Ito ay isang mahalagang proseso upang masiguro na ang mga desisyon o hakbang na gagawin ay batay sa masusing pagsusuri at koordinasyon ng mga eksperto at kinatawan mula sa iba’t-ibang komite na may kaugnayan sa proyektong ito.
Layunin nitong palakasin ang ugnayan at mapaunlad ang lalawigan ng Bataan.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️