Skip to main content

Teacher’s Day 2024: Munting regalo para sa 885 magigiting na guro ng Hermosa

October 4, 2024 – Hermosa, Bataan

Bilang kinatawan ng inyong lingkod, bumisita si Mayora ANNE INTON sa Parapal Elementary School kasama si Principal Erwin Terrible at Mabiga Integrated School kasama si Principal Jennifer Comia upang ihatid ang ating mumunting regalo sa magigiting na guro sa ating minamahal na bayan bilang pagdiriwang ng Araw ng mga Guro.

Kasabay din nito ang paghahatid ng regalo ng SB Members sa pangunguna ni Vice Mayor Patrick Rellosa para sa mga guro sa mga nalalabing paaralan sa Hermosa.

Tunay ngang ang pagtuturo ang pinakamarangal na propesyon, dahil nakikita ko ang inyong walang kapantay na serbisyo at dedikasyon sa pagpapaunlad at pagkatuto ng mga mag-aaral sa ating bayan, aming mga Ma’am at Sir!

Patuloy nawa kayong patnubayan at gabayan ng ating Panginoon sa inyong walang sawang paggabay sa ating mga mag-aaral. Maligayang Araw ng mg Guro!

SAMA SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!

#ArawNgMgaGuro #LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

SEE FACEBOOK PAGE: https://www.facebook.com/share/p/1DKK4ZsnDf/

Official Website of Municipality of Hermosa