Skip to main content

TATLONG ARAW NA NATIONAL VACCINATION DAY, NAGSIMULA NA SA BAYAN NG HERMOSA

November 29, 2021- Hermosa, Bataan
SINIMULAN NA! ! !
TATLONG ARAW NA NATIONAL VACCINATION DAY, NAGSIMULA NA SA BAYAN NG HERMOSA!
Ito ay libre, at epektibo kaya magpabakuna na!
KAGANAPAN | Nakikiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Hermosa sa pagdiriwang ng National Vaccination Day o Bayanihan Bakunahan ng Department of Health simula ngayong araw November 29, 2021 hanggang December 1, 2021.
Kasabay nito, ang pagbisita ng Provincial Health Officer Dra. Rosanna Buccahan at Provincial Immunization Program Coordinator Maam Donna Samson, kasama dito ang Municipal Health Office -Hermosa Dr. Jose Bizmarck Abad.
Para sa mga Pediatric Vaccination o mga bata na nasa edad 12-17 taong gulang, ay mangyari lamang na magpalista sa inyong Barangay Health Center para sa inyong iskedyul.
Layunin natin at ng Department of Health na maabot ang target na 70% herd immunity hanggang December 2021 at upang patuloy na mapataas ang immunization coverage at tuluyan ng masugpo ang COVID-19 sa ating Bansa.
Ang lahat ng mga nabakunahan o mababakunahan sa nasabing petsa, 1st dose o 2nd dose ay makakatanggap ng tig 5kilos na bigas.
Sa araw na ito, November 29 hanggang December 1, 2021, ipakita natin ang diwa ng bayanihan para sa ligtas at masayang pasko .
Maraming Salamat po sa patuloy niyong pakikiisa sa malawakang pagbabakuna kontra COVID-19, Ibayong pag-iingat po sa lahat!
#LipadHermosa
#1Bataan

Official Website of Municipality of Hermosa