Tara na, Magpa-PhilHealth Konsulta Na!
Abril 16, 2024 – Hermosa, Bataan
Ang bayan ng Hermosa ay nakipagtulungan kasama ang Department of Health upang maihatid sa atin ang magagandang proyektong ikabubuti ng ating mga kababayan. Kung kaya’t personal na nakiisa si Mayora ANNE INTON sa pagsisimula ng PhilHealth Konsulta na ginanap kanina sa Brgy. Balsik.
Kasama natin kanina sa caravan sina Local Health Insurance Officer, Edmond Manuel, Branch Manager ng PhilHealth Regional Office-3, Dra. Rowena Zabat, Dr. Genesis Panganiban, Dr. Geofrey Jorge, mga kinatawan ng PhilHealth, Hermosa RHU, BHW, MSWDO at Brgy. Balsik Council.
Sa ganitong pamamaraaan, mabibigyan natin ng libreng serbisyong medikal ang ating mga kababayan kagaya na lamang ng libreng konsulta at gamot. Sama-sama tayo sa paglalakbay tungo sa mas maayos at malusog na bayan.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa
#1Bataan ☝️