Skip to main content

TAMBALANG AYUDA

August 14, 2021- Hermosa, Bataan.

TAMBALANG AYUDA

Sinimulan na po natin ang pamamahagi ng mga relief goods mula sa Pamahalaang Bayan ng Hermosa na may kasamang kalahating kabang bigas mula naman sa Pamahalaang Lalawigan ng Bataan sa pangunguna ni Governor Abet Garcia, para sa ating mga kababayan, ngayong Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Kasalukuyan po natin ibinababa sa bawat Barangay ang mga relief packs, upang sila naman ang magbahay-bahay sa kanilang mga nasasakupan.

Ngayong araw una po natin bibigyan ang Barangay ng Culis, Pandatung, Sumalo, Mandama, Cataning, Palihan, Balsik, at Saba.

Patuloy po tayong sumunod sa mga protocols kagaya ng pagsuot ng facemask, face shield at 2mtrs of social distancing upang maiwasan ang hawaan.

Maraming Salamat po sa ating mga volunteers, BFP Hermosa, PNP Hermosa, MSWDO Hermosa, at Asamblea Personas Hermosa. Mabuhay po kayo!

#LipadHermosa 🚁🚁🚁
#1Bataan ☝🏻

Official Website of Municipality of Hermosa