Skip to main content

TALAKAYAN TUNGKOL SA LUZON ECONOMIC CORRIDOR (LEC)

April 16, 2026 – Capas, Tarlac
Nakiisa po tayo kahapon sa isang mahalagang talakayan hinggil sa Luzon Economic Corridor (LEC), kung saan ibinahagi at tinalakay ang mga pangunahing proyekto, programa, at mga hamong kinakaharap sa pagpapaunlad ng nasabing inisyatiba.
Ang pulong ay inorganisa ng U.S. Commercial Section ng U.S. Embassy, sa pakikipagtulungan ng Subic-Clark Alliance Development Council (SCADC) sa pangunguna ni Atty. Carminda Fabros.
Kabilang din sa mga dumalo sina Esha Kamboj, Senior Attorney ng Commercial Law Development Program, at Christopher Feather ng U.S. Commercial Service, na nagbahagi ng kanilang kaalaman at pananaw upang higit pang mapalakas ang ugnayan at mga oportunidad para sa kaunlaran ng rehiyon.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA! #LipadHermosa #1Bataan

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1GcPDohovb/

Official Website of Municipality of Hermosa