Skip to main content

SUSPENDIDO ANG FACE-TO-FACE CLASSES | SEPTEMBER 7, 2026

Mga anak, ayon sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at memorandum ng DEPED kapag orange rainfall warning, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa Bayan ng Hermosa.
Samantala, maaaring ipagpatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng online classes o modular distance learning, alinsunod sa pagpapasya ng mga school heads at sa kakayahan ng bawat paaralan.
Ang hakbang na ito ay bilang pag-iingat sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, guro, at school personnel, kasunod ng Orange Rainfall Warning na inilabas ng PAGASA na nagdudulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan sa ating bayan.
Para sa kaligtasan ng bawat Hermoseño, narito ang mga numerong maaaring tawagan sakaling kailanganin ang agarang tulong:
Bataan Emergency Hotline: 911
MDRRMO Hermosa: 0917-549-7739
Hermosa Marshal: 0939-937-1593
Municipal Health Office (MHO): 0917-117-7187
Philippine National Police (PNP): 0998-598-5360
Bureau of Fire Protection (BFP): 0919-865-4441
Manatiling alerto at ligtas ang lahat.

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1GMQmu5wKo/

Official Website of Municipality of Hermosa