Suportahan po natin ang official entry ng ating bayan sa Bataan
Suportahan po natin ang official entry ng ating bayan sa Bataan Through Time Photography Collection Competition, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan.
Maaaring makita ang mga tampok na larawan mula ngayong ika-6 ng Abril hanggang ika-10 ng Abril sa Main Entrance Lobby ng The Bunker.
Tampok sa eksibit ang mga kuhang sumasalamin sa kasaysayan at kultura ng ating bayan—mula sa Bulwagan ng Pagpapasya, hanggang sa mga alaala ng kapistahan at makukulay na pagdiriwang sa lumang bayan.
Halina’t balikan at pahalagahan ang ating pinagmulan sa pamamagitan ng sining ng potograpiya. #1Bataan #LipadHermosa
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/17ZTioxo7V/