SUNON ELECTRONICS: Hatid ang patuloy na pag-unlad sa ating bayan!
February 21, 2023 – Hermosa, Bataan
Sa patuloy na pagdami ng mga investors sa ating bayan, tayo ay mapalad na magkakaroon ng bagong pabrika sa Hermosa Ecozone Industrial Park. Ginanap kanina ang groundbreaking ceremony para sa Sunon Electronics Philippines Corp. na pinangunahan ni Executive Vice President Simon Wu at ng inyong lingkod.
Ang pagbubukas ng bagong pabrika dito sa ating bayan ay isa sa mga bagong oportunidad para sa pagbibigay ng trabaho at kabuhayan hindi lamang sa ating bayan gayundin sa mga karatig bayan dito sa ating lalawigan.
Nakasama natin sa nasabing programa sina Bokal Tony Boy Roman, Kons. Gelly Santos, PEZA Zone Manager Shiela Marie Pidlaoan at ang mga kinatawan ng Sunon Electronics na sina PU General Manager Kh Tseng, PU Director Irenne Ng.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️